Kumulekta ang Riyadh ng 33 gold, 12 silver at 15 bronzes habang ang Taipei at Kaoshiung na kumuha ng apat at tatlong medals ayon sa pagkakasunod para sa second at third place sa three-day event.
May 270 overseas workers na kumatawan ng 12 overseas job sits at regional office mula sa ibat ibang dako ng bansa sa Games na may limang events na kinabibilangan ng chess, bowling, darts, table tennis at lawn tennis.
Ang event ay suportado ng PAGCOR, Coca-Cola, Samsung, Metrobank, Duty Free Philippines, Landbank, Unilever, Philam Life, Smart, Adidas at Wyeth Philippines.
Ang PSC sa pamamagitan ni Commissioner Michael Barredo na siyang nangangasiwa ng sectoral concerns sa pakikipagtulungan ng Overseas Operations Coordinating Center ng OWWA sa ilalim ni Director Marianito Roque, ang prime movers ng proyektong ito na naglalayong magbigay ng alternative activity para sa mga OFWs.
Ang event ay offshoot ng Philippine Friendship Games na ginaganap sa pamamagitan ng regional basis sa Middle East, Europe at Asia Pacific.
Kasama nina Commissioner Barredo at Director Cruz si Delmer Cruz, Deputy Administrator ng OWWA sa pamimigay ng medalya at giveaways sa mga nanalo.