Bakbakan sa Imus, Cavite
December 19, 2002 | 12:00am
Isa na namang maaksiyong boxing event sa Imus, Cavite ang ihahatid ng Elorde International Productions sa pakikipagtulungann ni Honorable Mayor Homer Saquilayan ngayon sa covered court ng Imus Plaza sa Cavite.
Tampok ang mga aspiring fighters ng bansa na pinangungunahan nina Philippine flyweight no. 7 Sukarno Banjao mula sa Cadiz City at Marvin dela Cruz, PBF no. 5 lightfly-weight contender.
Si Banjao, unang nasilayan noong September 1999, ay binigyan ng dalawang pagkakataong lumaban sa dalawang title events. Noong July 2001, sumabak ito laban kay Jovan Plesbitero ng Cebu para sa Philippine Lightflyweight Championship ngunit natalo sa decision.
Makalipas ang siyam na buwan, lumaban naman ito para sa Pan Asian Boxing Association Lightflyweight championships kontra kay Denkaosaen Kaowichit na ginanap sa Hualin, Thailand kung saan muli itong nabigo.
Ang impresibong estilo ni Sukarno ang naging sentro ng atraksiyon sa kanyang nakaraang laban sa Surigao nang kanyang pabagsakin ang kalaban sa ikatlong round sa pamamagitan ng technical knockout.
Panoorin ang Banjao-dela Cruz fight sa main event at lima pang kapana-panabik na laban sa Imus na sisimulan sa alas-7:00 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended