^

PSN Palaro

3rd place ang San Miguel Beer

-
Ibinaon sa limot ng San Miguel Beer ang masaklap na kapalaran nang kanilang isukbit ang konsolasyong ikatlong puwesto ng Selecta-PBA All Filipino Cup matapos ang come-from-behind 83-81 panalo kontra sa Batang Red Bull sa kanilang knock out game kagabi sa Cuneta Astrodome.

Ito ang ika-13th third place finish ng San Miguel na nabigong makapasok sa kampeonato matapos masilat ng kanilang kapatid na kumpanyang Coca-Cola Tigers.

Kalaban ng Tigers ang Alaska Aces sa best-of-five finals na kasaluku-yang naglalaban sa Game-One, habang sinusulat ang balitang ito.

Pinangunahan ni Boybits Victoria ang Beermen sa kanilang pag-aalsa sa ikaapat na quarter nang hinakot nito ang kanyang 15 puntos na produksiyon sa naturang yugto lamang.

Patungo sa huling 22 segundo ng third quarter, nabaon ang San Miguel ng 13-puntos, 48-61.

"Pahinga naman kami. It’s been a long season and we deserve a break," pahayag ni San Miguel coach Jong Uichico.

Nakatakdang magtungo sa United States si Uichico at ang kanyang pamilya para magbakasyon.

Hindi naging malaking kawalan sa Beermen ang di paglalaro ng mga Asian Gamers na sina Danny Ildefonso at Olsen Racela na kapwa may injury.

Pinangunahan ni Dorian Peña ang limang naka-double figures para sa San Miguel sa kanyang tinapos na 20-puntos.

Katulong nito bukod kay Victoria ay sina Joey Mente, Bryan Gahol at Dondon Hontiveros na may 16, 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod para sa SMBeer.

Bumanat naman si Davonn Harp na may 23 puntos para sa Red Bull na di naman nakaasa kay Mick Pennissi.

Kumulapso ang opensa ng Red Bull sa ikaapat na quarter na nagbigay daan para makumpleto ng San Miguel ang kanilang pagbangon.

Kontrolado ng San Miguel ang laro sa first quarter nang kanilang hawakan ang 22-18 pangunguna sa pagsasara ng naturang yugto.

Ngunit nagsanib ng puwersa sina Harp, Jimwell Torion at Homer Se sa ikatlong quarter upang ihatid ang Thunder sa 13-puntos na kalamangan, 48-61.

Matapos maunsiyami ang pagpasok sa kampeonato makaraang ma-silat ng Alaska, nakawala rin sa bigating Red Bull ang third place trophy.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALL FILIPINO CUP

ASIAN GAMERS

BATANG RED BULL

BEERMEN

BOYBITS VICTORIA

BRYAN GAHOL

COCA-COLA TIGERS

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with