Welcoat, ICTSI asam ang mahalagang panalo

Tangka ng powerhouse Welcoat Paints at ICTSI-La Salle na mapanatili ang kanilang kapit sa liderato sa kani-kanilang grupo sa kanilang pakikipag-harap sa magkahiwalay na kalaban ngayon sa 2002 PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.

Hangad ng Paint Masters na may 7-1 record na makubra ang unang semifinals slot sa kanilang pakikipagharap sa LBC-Ba-tangas sa alas-5:00 ng hapon.

Sa kabilang dako, nais naman ng ICTSI na mapalakas ang kanilang tsansa para sa wild-card entry sa kanilang pakikipagsagupa sa Montana Pawnshop sa alas-3:00.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Paint Masters para makuha ang twice-to-beat incentive patungo sa crossover semifinals.

Pinapaborang manalo ang Welcoat laban sa LBC-Batangas matapos ang kanilang 89-70 panalo sa kanilang pagsasagupa sa Lipa Sports Cultural Center noong nakaraang November 30.

Show comments