Paragua patuloy ang pananalasa
December 15, 2002 | 12:00am
Nagpatuloy ang pananalasa ni GM candidate Mark Callano Paragua (ELO 2476) ng Pilipinas matapos payukurin si Steven Geinaert ng Belgium para lalong mapalakas ang tsansa sa posibleng pag-sikwat ng ikalawang GM result o norm pagkatapos ng 7th round ng 41st World Junior at 19th girls under-20 chess championships sa Cidade de Foa, Vainguinim Beach, Panaji sa Goa India.
Bunga nito, nakalikom ang 18-anyos na si Paragua ng tatlong panalo, dalawang talo at dalawang draw para sa kabuuang 4.0 puntos matapos ang pitong laro.
Haharapin ni Paragua si Deepan Chakravarthy ng India sa susunod na round.
Kasalukuyan pa ring magkasalo sa liderato sina GM Levon Aronian (ELO 2581) ng Armenia at IM Ni Hua (ELO 2545) ng China matapos nilang ma-draw ang kani-kanilang laban para sa kanilang kapwa 5.5 puntos.
May 5.0 puntos naman sina top seed GMs Bu Xiangzhi ng China, Luke Mc Shane ng England, Pentayla Harikrishna ng India, Vladimir Potkin ng Russia, Dmitri Yakovenko ng Russia, IMs Stefan Kristijansson ng Iceland, Arytom Timofeev ng Russia, David Craig Smerdon ng Australia at IM Sergey Erunberg ng Israel.
May 4.5 puntos naman sina GMs Ferene Berkes ng Hungary, Ernesto Inarkiev ng Russia, IMs Amon Simutowe ng Zambia, Kamil Miton ng Poland at Surya Ganguly ng India kasama sina Dimitrios Mastro-valisis ng Greece at S. Satyapragyan ng India.
Sa panig ng kababaihan, nakopo ni Chinese Women Grandmaster Zhao Xue ang solong liderato na may 6.0 puntos matapos padapain ang dating kapwa leader na si Tatiana Kosintseva.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am