^

PSN Palaro

Hamon sa Kampeon

-
Itatanghal ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang national championships ng unang Jeepney King and Tricycle King Challenge na tinaguriang ‘Hamon ng mga Kampeon’ sa Luneta Parade grounds, alas-8:30 ng umaga sa harap ng Quirino Grandstand.

Panauhing pandangal si Manila Mayor Lito Atienza kasama ang chairman ng Shell companies ng bansa na si Eliseo Santiago sa event na bibigyang kulay ng tv personality na si Aubrey Miles.

Ang lahat ng mananalo sa 17-leg series ng Jeepney King Challenge (JKC) at 18-leg series Tricycle King Challenge (TKC) ay tutungo sa Manila para makipaglaban sa titulo.

Ang mga legs ay ginanap sa Baguio City, Navotas, Cagayan De Oro, La Union, Batangas, Tarlac, Pampanga, Isabela, Lucena, Iloilo, Tacloban, Davao, Marikina, Laguna, Legazpi City, Cebu, Cavite, General Santos, Abra, Surigao, Butuan, Antipolo at Dumaguete.

Nakataya ang P20,000 para sa mananalo sa dalawang event, P12,000 sa runner-up at P10,000 sa third placer.

AUBREY MILES

BAGUIO CITY

CAGAYAN DE ORO

ELISEO SANTIAGO

GENERAL SANTOS

JEEPNEY KING AND TRICYCLE KING CHALLENGE

JEEPNEY KING CHALLENGE

LA UNION

LEGAZPI CITY

LUNETA PARADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with