All long, alam naming siya ang mapipili para sa puwestong ito. Kahit na noong nagkaroon ng intriga sa kanya, alam naming bale wala yun para sa mga PBA Board of Governors.
Very crucial ang pagkakahirang kay Noli bilang bagong commissioner dahil more than ever in its many years of existence, ngayon kailangan ng PBA ng matinding pagbabago.
Sobra ang pagbulusok pababa ng ratings ng PBA coverage at pati ang live crowd attendance ay hirap na hirap except sa ilang laro na talagang sinundan ng mga basketball fans.
We are happy for Noli and we hope na mabibigyan niya ng bagong buhay at pag-asa ang PBA.
Congratulations, Noli Eala!
Through it all, through good time and bad times including the worst crisis, nagawa ni Comm. Jun na maka-survive ang PBA.
Maraming dinaanang intriga at kontrobersiya ang PBA tungkol sa sari-saring issues, pero sa paglipas ng panahon, nalusutan itong lahat ni Comm. Jun B.
Pero tulad ng lagi nilang sinasabi, all good things must end. At ngayong tapos na ang termino ni Comm. Jun B, he can only wish for the best para sa kanyang successor.
Nagpapatayo na ng sarili niyang bahay itong si Kenneth para sa sarili niyang pamilya at early next year, matatapos na ito.
Halos 900 square meters yung bahay. Si Kenneth at ang asawa niyang si Teresa ang nag-aasikaso sa lahat.
Masuwerte itong si Kenneth dahil bukod sa maganda ang kanyang basketball career ay maganda rin ang kanyang personal na buhay. Palibhasay isang mabuting asawa at ama itong si Kenneth kaya naman maganda rin ang takbo ng kanyang pamilya.
Tiyak na bongga ang selebrasyon ni Nat doon dahil nandoon ang mga kamag-anak niya. Happy birthday, coach Nat!
Maganda rin yang ginagawa ng PBL na nag-ikot sila sa ibat ibang lugar para lalong mapalapit sa masa ang ligang ito.
Tiyak na blockbuster na naman ito sa Baguio bukas.