Samsung mamimigay din ng pamasko sa mga Busan Asian Games
December 13, 2002 | 12:00am
When it rains, it pours.
Isang araw matapos mabatid ang pagpapaulan ng pamahalaan ng insentibo, dalawang araw bago sumapit ang pasko, muling gagantimpalaan ang mga medalists sa Busan 14th Asian Games ng Samsung Electronics Phils. Corp na mamimigay ng P4.175 milyon na cash bonuses sa Alay Sa Gintong Medalya: Thanksgiving Concert sa December 18 sa PhilSports Arena.
Ipamimigay ni Sang Youl Eom, pangulo at CEO ng Samsung Electronics Phils. Corp, at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Eric Buhain ang mga tseke sa tatlong gold medalists, 7 silver medalists at 16 bronze medal winners sa Busan Asiad sa concert na co-presented ng Samsung at PSC.
Ang bonuses mula sa Samsung na ipinangako ni Sang bago tumulak ang Team Philippines patungong Busan noong September.
Bago ito, may P11,544.167 namang matatanggap ang mga medal winners dulot ng Republic Act 9064 o Athletes and Coaches Incentives Act na ipamimigay sa Dec. 23 sa Casino Filipino Parañaque Ampitheather kung saan may matatanggap din ang mga coaches.
Samantala, magpi-perform sina concert queen Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Geneva Cruz, South Border, John Lapus, Jay Cayuca at ang LOC Band at ang Casino Filipino Parañaque Voice Symphony sa concert na bukas sa publiko.
Ang concert ay ang highlight ng isang araw na Christmas Party para sa national athletes, coaches at PSC employees at staff na magsisimula sa alas-8:00 ng gabi.
Gayunpaman, kailangan pa rin ng ticket na maaaring kunin sa Samsung o sa PSC Media liaison Office kay Arsenic Lacson na siya ring project director. Maaaring magpareserba sa tel. no. 526-7221.
Sa ilalim ng Samsung incentive scheme, ang gold medal winners ay may P500,000, P250,000 sa silver at P50,000 sa bronze na siyang kaunahan sa bansa na magbibigay ang isang priba-dong kumpanya ng insentibo para sa medal winners.
Ang mga gold medal winners ay sina Mikee Co-juangco-Jaworski ng equestrian, Paeng Nepomuceno at RJ Bautista sa bowling at billiards players Django Busta-mante at Antonio Lining.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended