Katatagan sa puwesto asam ng Blu
December 12, 2002 | 12:00am
Hangad ng Blu All-Purpose na mapanatili ang kanilang kapit sa ikalawang puwesto laban sa LBC-Batangas habang asam naman ng Sunkist-Pampanga na manatili sa kontensiyon sa pagpapatuloy ngayon ng aksiyon sa ikalawang round ng elimination phase ng 2002 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Nais ng Detergent Kings na may 6-2 record na maduplika ang kanilang 93-75 panalo kontra sa Batangas Blades noong November 9 sa muli nilang paghaharap sa alas-5:00 ng hapon.
Ngunit kung mananalo ang LBC-Batangas na may 5-3 kartada, makikisalo ito sa ikalawang puwesto.
Importante din ang panalo para sa Sunkist Juicers sa kanilang laban kontra sa Cheese Balls sa alas-3:00 ng hapon na simula ng kanilang kinakailangang four-game sweep na magkakaloob sa kanila ng insentibo.
Bagamat napakalayo ng Sunkist na may 1-7 record, may tsansa ang RFM-franchise sa play-off sa top team ng Group B para sa karapatang kalabanin ang no. 4 ng Group A kung saan nakataya ang huling semis berth.
Ang Juicers ang underdog sa labanang ito dahil sa kanilang 74-97 pagkatalo sa Cheeseball noong Nov. 7.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended