^

PSN Palaro

PBA salary cap sino ang apektado?

- Nap Gutierrez -
Ang maximum salary ng isang PBA player sa ngayon ay P500,000.

Kapag ang suweldo ng player ay P200,000, ibig sabihin ay second-rate player ka lang sa pro league.

Sa pagpasok ng 2003, nagdesisyon ang PBA team owners na ibaba ang maximum monthly salary sa P350,000. Natural, maraming players ang nagrereklamo rito pero wala naman silang magagawa dahil ang mga may-ari ang nagdesisyon niyan. Sa kahirapan ng buhay at ekonomiya ngayon, kinakailangan itong gawin ng mga team owners dahil kung hindi, mapipilitan silang mag-disband.

P350,000 monthly salary para sa isang PBA player? Kulang pa kaya ‘yan para magreklamo ang mga PBA players?

Tingnan natin ‘to. isipin n’yo ‘to.

Ang mga CEO at executives ng malalaking kumpanya dito sa Pilipinas eh hindi sumusuweldo ng ganyang kalaki.

Ang mga presidente ng eskuwela at top companies ay hindi ganyan kalaki ang suweldo.

Ang mga managers ng banko, deans ng mga eskuwela, marketing managers ng mga kumpanya, editor in chief ng mga diyaryo at magazine, direktor sa pelikula at tv, mga arkitekto, mga engineers, mga managers at supervisors ng mga malls at supermarkets, mga vice presidents ng malalaking companies at iba pang may matataas na puwesto sa kanilang trabaho ay napakalayo ng suweldo sa ganyang presyo.

Kung ang ordinaryong empleyado sa gobyerno ay sumuweldo ng P10,000 a month, ibig sabihin, magsisikap siya ng tatlong taon bago niya kitain ang P350,000 na ‘yan.

Yung mga ordinaryong empleyado na tumatanggap ng minimum na P280 a day, aabutin ng 41 months, o halos apat na taon bago makuha ang suweldong P350,000.

Ang P350,000 a month ay P11,000 a day para sa isang sikat na PBA player at ang trabaho niya ay tatlong oras sa isang araw dahil ‘yan ang haba ng pactice nila.

Iisa lang ang ibig sabihin niyan, isa na sa pinakamasuwerteng nilalang sa Pilipinas ang mga basketball players sa PBA.
* * *
Ang tanong: karapat-dapat ba sa kanila ang suweldong P500,000 o P350,000?

Marami sa mga players ay malaking problema ng kanilang coaches at team managers at team owners dahil kahit malaki ang suweldo nila, ayaw maglaro ng maayos. Napakalayo nung panahon ng Crispa-Toyota days na ang mga players eh nagpapakamatay sa bola. Ngayon, ang mga players eh takot masaktan, takot magkasugat sa mukha dahil mababawasan ang kapogian nila, takot makipagkaldagan sa kalaban.

Resulta? obviously, bumaba na ang kalidad ng laro ng mga PBA players at ‘yan ay matagal nang nararamdaman at nahahalata ng mga basketball fans.

‘Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit napakababa na ng ratings ng PBA. Biruin mo, one-digit na lang ang rating ng PBA at ‘yan ay 5.5%. Paano pa papasok ang mga advertisers kapag ganyang 5.5% na lang ang ratings?

Nagkaroon ng pakulo ang PBA kung saan puwedeng makipag-usap ang mga fans sa kanilang favorite basketball players pero sumemplang din ang pakulo na’to dahil wala namang masyadong tumawag. ibig sabihin, hindi interesado ang mga fans na makipag-usap pa sa mga players.
* * *
Panahon na nga para ma-realize ng mga players na kailangang manumbalik ang intensity at quality ng kanilang laro para manumbalik din ang interes ng mga tao sa mga basketball games.

Kailangan na sigurong ibalik ng mga players ang puso nila sa kanilang paglalaro. Bago sila magreklamo pa sa suweldong P350,000.

vuukle comment

BIRUIN

CRISPA-TOYOTA

DAHIL

IISA

P350

PBA

PILIPINAS

PLAYERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with