ICTSI binanderahan ni Johnson
December 10, 2002 | 12:00am
Naging bayani si Fil-Am guard Rob Johnson sa 83-82 panalo ng ICTSI kontra sa John-O kahapon sa simula ng ikalawang round ng eli-minations ng 2002 PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.
Tumapos si Johnson ng may siyam na puntos, walong rebounds, pitong assists at limang steals kabilang ang winning basket sa huling 7.6 segundo ng labanan.
Nawalang saysay ang minadaling buzzer-beating attempt ni Mark Macapagal para sa John-O na siyang naging daan sa ikalimang panalo ng ICTSI Archers sa siyam na laro.
Mula sa 79-72 kalamangan ng ICTSI, humataw ang John-O ng 10-2 run upang kunin ang 82-81 pangunguna, isang minuto na lamang ang oras sa laro.
Nakuha ni Ranidel De Ocampo ang posesyon para sa John-O ma-tapos magmintis si Joseph Yeo ngunit nagmintis din ito sa kanyang sariling attempt.
Pinamunuan ni Mark Cardona ang ICTSI sa kanyang itinalang 24 puntos. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended