Spring Cooking Oil kampeon sa NBL

Muli na namang nadagdagan ang lumalaking koleksiyon ng titulo ng Spring Cooking Oil noong Sabado nang kanilang maungusan ang Wangs Ball Club sa National Basketball League (NBL) Invitational Cup championship sa iskor na 64-62 sa Tinga gym.

Umiskor ng buzzer-beating triple ang dating MBA hotshot na si Tyrone Bautista upang maging kabagligtaran ang kanilang maagang pagkatalo sa isang tagumpay matapos ibigay ni Billy Moody ang kalamangan sa Wangs, 62-61 may apat na segundo na lamang ang natitira sa oras.

Ibinulsa naman ng Cebu M. Lhuillier Jewelers ang ikatlong puwesto matapos na payukurin ang Forward Taguig sa 87-81 sa unang laro.

Napasakamay ni Rodel Manuel ng Spring ang Most Valuable Player habang si Moody naman ang naitanghal na Finals MVP. Kapwa naka-pasok ang dalawa sa Mythical Five kasama sina Aldrich Reyes (Lhuillier), Dave Bau-tista (Spring) at Kim Macanig ng Taguig. (Ulat ni A. Enriquez)

Show comments