Korona aasintahin ng Spring Cooking Oil

Aasintahin ng kasalukuyang national at interclub champions Spring Cooking Oil ang korona ng NBL (National Basketball League) Invitational Cup kontra sa mananalo sa pagitan ng defending champion Wang’s Ball Club o Forward Taguig sa alas-6 ng gabi ngayon sa Tinga gym.

Nakopo ng Spring Masters ni coach Tito Palma ang awtomatikong finals berth noong nakaraang Huwebes nang kanilang gulatin ang RP Youth Burlington team, 97-81.

Napanatili naman ng Wang ang kanilang pag-asa na maidepensa ang titulo matapos na hiyain ang Cebu M. Lhuillier Jewelers, 97-87, habang tinalo ng Taguig ang Hartman, 94-87.

Show comments