Tumapos si Aquino ng 12-puntos upang ihatid ang Realtors sa huling upuan ng four-team quarterfinal round na magsisimula bukas sa Big Dome.
Bunga ng panalo, makakaharap ng Realtors sa best-of-three quarterfinal round ang Coca-Cola Tigers, habang maglalaban naman ang Talk N Text at ang Alaska Aces na ang mananalo dito ang siya namang sasagupain ng San Miguel Beer at Red Bull ayon para sa best-of-five semifinal round.
Huling hinawakan ng Turbo Chargers ang trangko sa 57-56 matapos ang dalawang free throws ni Dale Singson may 6:57 ang oras.
Pero sa sumunod na play, nagawang itabla ng Realtors ang iskor matapos ang split shots ni Dennis Espino mula sa foul ni Edwin Bacani.
Mula dito, pinagana na ng Realtors ang kanilang malalintang depensa nang kumunekta muli si Espino ng basket para sa 59-57 kalamangan, 5:59 ang oras.
Nananatling matatag ang Shell at dalawang beses silang nakatabla na ang huli ay sa 61-all, 3:49 ang oras sa laro.
Dalawang basket ni Aquino ang kanyang pinaalpasan para ibigay sa Realtors ang kampanteng 65-61 pangunguna na hindi na nagawang tibagin pa ng Shell. (Ulat ni Maribeth Repizo)