Kahit sino sa tatlong yan ay puwedeng-puwede para mamuno ng PBA.
We are sure na dala-dala nilay magagaling at mga bagong ideya para sa ikabubuti ng liga.
We are sure na kahit sino sa kanila ang mapili ay magiging maganda para sa PBA. Kumbagay walang itulak-kabigin.
Pero kahit na maituturing nating magaling silang tatlo, umaasa kami na magagawa ng board of governors na mapili ang pinakamagaling at pinaka-sincere sa kanilang tatlo.
Isa lang ang prediction ko--ang mapipiling next commissioner ay may dalawang letrang A sa kanyang apelyido.
Pinaghandaan ito ng mga taga-Ateneo kaya naman isa na naman itong monument event.
Ang kanilang special guest ay ang UAAP champions Ateneo de Manila Blue Eagles.
Ikagugulat ng mga alumni na darating dahil makikita nilang sasayaw at kakanta ang 2002 Blue Eagles kasama ang kanilang coaching staff.
Ilang araw ding nag-rehearse sina Enrico Villanueva, Wesley Gonzales and the rest of the Blue Eagles para sa kanilang special production number.
As expected, bibigyan ng special award ng mga alumni ang Ateneo Blue Eagles na nag-champion sa UAAP after 14 years of title drought.
Sa December 25 nga pala ay paalis silang lahat patungo ng Amerika para sa kanilang bonus trip pero mauuna na si Enrico Villanueva dahil dadalo siya sa kasal ng kanyang kapatid sa US.
Hayaan nyot ikukuwento namin sa inyo next week ang mga happenings sa malaking event na yan.
Yan ang laman ng text ng isang sikat na college basketball player sa isang mayamang bading na may pagka-Chinese sounding ang apelyido.
Nagtataka raw si bading kung bakit nanghihingi sa kanya ng load si college player gayung alam niyang mayaman ang tatay nito.
Ang tatay ni player ay isa ring basketball player.