Spring Cooking Oil lumapit sa finals

Pinayukod ng Spring Cooking Oil ang Forward Taguig, 80-78 noong Miyerkules upang ilapit ang kanilang isang paa tungo sa isang finals slot sa NBL (National Basketball League) Invitational Cup tournament sa Tinga gym.

Nagsalpak si Ricky Ricafuente ng tres sa huling 50 segundo ng labanan upang ibigay sa tropa ni coach Tito Palma ang kampanteng 80-75 kalamangan na naging mitsa ng kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sa iba pang laro, nananatiling nakasakay sa likod ng Spring ang Cebu’s M. Lhuillier Jewelers nang kanilang igupo ang Hartman, 124-98, habang tinalo ng Wang’s Ball Club ang RP-Burlington Youth team, 106-101.

Show comments