Final screening para sa Tour ng Pilipinas 2003
December 6, 2002 | 12:00am
Nakatakda ang final na screening ng riders na sasabak sa Tour Pilipinas 2003 ngayong weekend kung saan maglalaban-laban ang 120 aspirante para sa nakatayang 84 slots na siyang magku-qualified para sa kayamanan at karangalan ng 14-stage cycling event sa susunod na taon.
At dahil sa nais ng race presentor Air21 sa pamamagitan ng chairman na si Bert Lina, naghanda ito ng dalawang final qualifying na idinesenyo hindi lang para paliitin ang listahan ng mga aspirante kundi upang mapagsama-sama ang mga mahuhusay na riders sa bansa.
Ang pre-qualifying races sa Pililia, Rizal at Argao, Cebu noong nakaraang buwan ay humakot ng 120 riders na sumabak sa 192.5-kilometrong massed start race mula Antipolo City hanggang sa Real, Quezon patungong Baras, Rizal.
Ang top 100 finishers sa karera ay mapapasama sa final 47.5-kilometer Individual Time Trial, bago muling maglalaban para sa ikalawang araw kung saan ang matitirang 84 mahuhusay na siklista ang siyang itatalaga para lumahok sa Tour Pilipinas na nakatakda sa Abril ng susunod na taon.
Pinangunahan ni Lloyd Reynante, kung saan ang kanyang ama na si Maui ay naging isa sa pinakasikat sa nasabing sports noong 70s ang pre-qualifying races at muli niyang babanderahan ang bulto ng mga siklista na kinabibilangan ng mga nakaraang Tour champions at mga papasikat na riders.
Ang iba pang riders na nagpasiklab sa pre-qualifying ay kinabibilangan nina national standout Victor Espiritu, Arnel Quirimit, Villamor Baluyot, Enrique Domingo, Warren Davadilla at Lito Atilano ang makakasama ni Reynante sa listahan.
Muli ring pepedal ang mga dating Tour champions na sina Renato Dolosa at Carlo Guieb sa final qualifying makaraang makapagpakita ng maganda at nakapasok sa top 30 ng pre-qualifying races.(Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended