Dazz nilikida ng Blades
December 6, 2002 | 12:00am
Sinalanta ng LBC-Batangas ang opensa ng Dazz Dishwashing Liquid sa huling maiinit na bahagi ng laro upang ipalasap ang 56-53 kabiguan at sunggaban ang awtomatikong slot sa upper bracket ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.
Tumipa si Jason Cuevas ng 13 puntos at walong rebounds, habang nagdagdag naman si Alex Compton ng 10 puntos at limang rebounds upang saluhan ang Welcoat Paints at Blu sa itaas ng standing sa pagtikada ng second round elimination phase bunga ng kanilang 5-3 win-loss slate.
Ngunit mas pumukaw ng pansin ang mga second stringer na sina Ro-nald Allan Capati at Nicole Uy na siyang bumalikat sa fourth quarter upang ibigay sa Grease Busters ang kanilang ikaapat na pagkatalo sa pitong laro.
Kontrolado ng Blades ang momentum sa unang dalawang quarter hanggang sa 33-24 sa halftime na kanilang napalaki sa 10 puntos, 48-38 may 19 segundo na lamang ang nalalabi sa final canto.
Mula dito, sumandig na ang Blades sa mga balikat nina Capati at Uy na nagpasabog ng 12-0 bomba na siyang naghatid sa Batangas sa 50-48,4:21 ang nalalabi sa laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended