^

PSN Palaro

Batang Laguna patuloy ang pananalasa

-
PUERTO Princesa City--Patuloy ang Laguna sa paghakot ng medal-yang ginto, nang sa ika-apat na araw ng kompetisyon ay kumubra ng limang golds na mas lalong nagpahigpit sa kanilang kapit sa pangu-nguna para sa karera ng overall championships sa pagpapatuloy ng 4th Batang Pinoy na ginaganap sa Puerto Princesa Sports Complex dito.

Sa kabuuan, mayroon na ang mga manlalaro mula sa Southern Tagalog na nalikom na kabuuang 33 ginto na nagbigay sa kanila ng dalawang gintong kalamangan sa mahigpit na karibal na Manila na mayroong 31 ginto makaraang humukay lamang ng dalawa kahapon.

Naisubi ng Manila ang natatanging dalawang gintong produksiyon sa ikaapat na araw ng hostilidad mula sa dance sports event, habang muling ipinakita ng Laguna ang kanilang bangis sa gymnastic ng sumungkit ng apat na gold at isa sa karatedo.Bagamat, tuluyan ng napatalsik para sa karera ng overall title, taas noo namang uuwi ang Dagupan mula sa kanilang bayan matapos na tanghaling Most Valuable Swimmer si Carl Alipio Fernandez bunga ng kanyang nalikom na apat na ginto sa swimming event na siyang maximum para mapagwagian ng swimmers ang nasabing karangalan.

Nakisosyo rin sa karangalan ni Fernandez si Ryan Arabejo ng Manila nang tumapyas ito ng apat na ginto na tinampukan ng record-breaking performance.

Sa kababaihan naman, itinaas ni Remalyn Soriano, anak ng Ba-rangay Captain na si Renato at school teacher na si Emilyn ang kanilang bayan makaraang hiranging Most Valuable Athlete sa Athletics.

Si Remalyn ay tinanghal na pinakamahusay na manlalaro sa athletics dahil sa kanyang naisubing tatlong gold na ang dalawa nito ay isang record-breaking performance.

Hawak din ni Remalyn ang record sa long jump event makaraang tapyasin ang 2001 record na 4:31 sa kanyang tinalon na 4:85m at ang 200m dash nang kanyang tabunan ang 28.0 sa bagong marka na 27.0

Samantala, binawi na ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council ang lahat ng protestang inihain nila kontra sa Laguna.

ALI ATIENZA

BATANG PINOY

CARL ALIPIO FERNANDEZ

MANILA SPORTS COUNCIL

MOST VALUABLE ATHLETE

MOST VALUABLE SWIMMER

PRINCESA CITY

PUERTO PRINCESA SPORTS COMPLEX

REMALYN SORIANO

RYAN ARABEJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with