Hartman wasak sa Spring Cooking Oil

Pinabagsak ng mahigpit na paboritong Spring Cooking Oil ang Hartman, 98-67 noong Martes upang masungkit ang solong pangunguna sa NBL (National Basketball League) Invitational Cup tournament matapos na iposte ang dalawang sunod na panalo sa Tinga Gym.

Humatak si Murphy Limbo ng 15 puntos upang pangunahan ang balanseng scoring ng Spring.

Nakabawi naman ang Cebu’s M. Lhuillier mula sa kanilang pagkatalo sa mga kamay ng Spring noong Lunes nang kanilang igupo ang RP Burlington Youth team, 94-83, habang hiniya ng Forward Taguig ang defending champion Wangs Ball Club,79-74 sa iba pang laro.

Show comments