Mga Bagong Salta
December 5, 2002 | 12:00am
Maraming mga bagong saltang sports na nag-aambisyong makipagbanggaan sa basketbol, bilyar at boksing sa mga susunod na taon. Alin kaya sa kanila ang makakatungtong sa harap ng malawakang pansin?
Una rito ang indoor soccer, o futsal (football sa sala) sa Europe. Bagay na bagay ito sa mga Pilipino, dahil, una, ginagamit nito ay basketball court. mas maliit, mas kaunti ang manlalaro (lima-lima lang) at mas mabilis ang aksyon. Gaya ng nauna nitong pinsan na beach football, mas mataas ang iskor sa tradisyonal na football, subalit maaaring ilaro kahit saan. Mas madali pang makaakit ng manonood, dahil pwedeng gawin sa may air-condition. Kung makapasok ito sa mga paaralan, mabilis ito lalago, lalo na kung maging uso o "cool" sa mga kabataan.
Pangalawa ang handball. Ito'y malakihan din sa Europe. para itong pinagsamang volleyball, basketball at soccer. Ginagamit din ang indoor court, tulad ng basketball hardwood. Binabato ang bola papasok sa goal, at maraming talunan, banggaan at liparan ng mga player. Nagkakasakitan din kung minsan, pero kasama sa laro iyan, hindi ba? Kung ito'y mahihiligan ng mga college players, siguradong maraming manonood, dahil para kang nanood ng sabong, tao nga lang ang bida, at walang dumudugo... madalas.
Pangatlo ang flag football, na malapit nang ipalabas sa telebisyon. Ito'y isang bersyon ng American football na maaaring ilaro ng karaniwang tao, Sa halip na itumba ang may hawak ng bola, huhugutin na lamang ang maliit na banderang nakausli sa kanyang baywang. Mabilis din ang aksyon. Ang tanging problema lamang ay hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng American football. Ang isang lamang lang ng flag football ay nilalaro ito ng mga "mixed" teams. Ibig sabihin, magkahalong lalaki't babae ang lahok.
Kasama sa manunumbalik na isport ay ang baseball. May grupong nagngangalang Titans Baseball Club na nag-oorganisa ng torneo para sa mga mahihilig sa baseball. Karamihan sa kanila ay dating varsity player na walang mapuntahan pagkatapos ng kolehiyo, dahil walang namang commercial leagues para sa baseball dito. Tandaan natin na ang baseball ang number one sport dito noong 1930's. Malay natin, maging prominente muli ito.
Alin sa mga ito ang papatok sa 2003? depende iyan sa dalawang malaking merkado na hinahatak ng mga organizer: mga kabataan at kababaihan. Kung alin ang kakagatin nila, panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended