Batang Laguna nasa unahan na
December 5, 2002 | 12:00am
PUERTO PRINCESA -- Para sa two-time champion Laguna, hindi magiging malaking sagabal sa kanilang kampanya ang protestang inihain laban sa kanila ng Manila upang ipagpatuloy ang kampanyang maagaw ang overall championships sa huli sa ikatlong araw ng kompetisyon ng 4th Philippine National Youth Games-Batang Pinoy dito.
Matapos na makapagsubi ng 14 medalyang ginto sa unang araw ng kompestisyon sa swimming event, panibagong apat na ginto ang sinisid ng taga-Laguna, na naghatid sa kanila na hawakan ang pansamantalang pangunguna matapos na makalikom ng kabuuang 21 golds.
Gaya ng dapat asahan, muling nagpasiklab ang 11-gulang na si Ryan Arabejo nang lumangoy ito ng record-breaking performance sa 200-meter freestyle sa tiyempong 2:07.00 na tumabon sa dating tala ni Jan Michael Chiu na 2:12.30 noong nakaraang taong edisyon ng meet na ito.
Ito ang ikalawang ginto ni Arabejo kung saan kinana rin niya ang gold sa 400-m freestyle noong Martes.
Ang tatlong iba pang gold ng Laguna ay ibinigay nina John Brylle Zapanta nang dominahin niya ang boys 9-10 50-m butterfly na sinundan ni Carla Beatriz Grabador sa 50-m butterfly at Delia Angelo Cordero sa girls 6 and under 50-m butterfly.
Si Zapanta ay mayroon ng nalikom na kabuuang tatlong golds at isang silvers.
Sa kasalukuyan, dalawang ginto na ang agwat ng Laguna mula sa Big City na kumana lamang ng tatlo kahapon na tinampukan ng record-breaking performance ni Kennedy Alistair sa boys 11-12 50m butterfly.
Tinabunan ni Alistair ang dating marka ni Lorenzo Dee na 28.92 segundo nang tumawid ito ng finish line sa tiyempong 28.40 para sa ikalawa niyang gintong medalya.
Samantala, iprinotesta ni Manila swimming coach Bert Lozada ang panalo ng Laguna noong Martes dahil sa lumabag ang huli sa alituntunin ng torneo nang baguhin ang isinumiteng lineup ng koponan kahit tapos na ang deadline.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am