MCA Amateur League

Gaganapin ngayong alas-2 ng hapon ang team captain’s meeting para sa mga kalahok na koponan sa Metropolitan Chess Association (MCA) Amateur League sa Ninoy Aquino Stadium, dating mgr. office sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex, sa likod ng Harrison Plaza sa Adriatico, Manila.

Ang nasabing meeting ay pangungunahan ni NM Dante Zuñiga, certified arbiter, kung saan tatalakayin dito ang tournament rules and regulations ng chessfest na ito na siyang pinakamalaking local competitions sa bansa.

Ang huling araw ng pagsusumite ng entries ay hanggang ngayon na lamang. Para sa iba pang detalye, tumawag sa organizing MCC sa 8268560 at 09168521069.

Show comments