Tangka ni Ballester, national team marathoner mula sa Sorsogon ang kanyang ikatlong sunod na Milo Marathon finals crown, habang sisipatin naman ng tubong Benguet na si Martes ang kanyang ikalawang korona.
Ang dalawa ay mapapasabak sa mga mahuhusay ding marathoners na magmumula sa buong panig ng bansa kung saan ang defending champions ay awtomatiko ng seeded sa finals.
Umabot sa kabuuang 11 regional races, kabilang ang full marathon elimination race sa Manila ang ginanap sa lahat ng rehiyon ng bansa na ang top three male at female runners mula sa bawat out of town na 20K qualifying race ay sasabak na sa 42K finals.
Kabilang sa inaasahang magbibigay ng matinding laban kina Ballester at Martes ay sina regional champions Mario Dabon at Monaliza Ambasa mula sa Davao, ang tambalang Ronelo Sandino at Liza Relox ng Cagayan de Oro at Kidapawans Roger Sawinay at Jhoan Banayag na pawang taga Mindanao region.
Ang hamon naman mula sa Visayas ay pangungunahan nina Roxas City champions Adnois Lobaton at Elma Vega, habang mula sa Tacloban, ay ang local champions na sina Rogelio Reli at Jessica Codeilla at ang huling regional race sa Cebut City na tatampukan nina Joseph Panales at Christy Sevillano na nanalo sa 20K race.