^

PSN Palaro

World Cup Football sa 2003, apektado ang mga trader

-
Ang pagdaraos ng World Cup Football sa Asia ay magkakaroon ng malaking epekto sa bansa para sa mga businessman na magdesisyon na magbuo ng bagong liga na tataguriang Philippine Football Association Inc., o PIFA.

Ayon kay PIFA president Charlie Favis, dating komisyuner ng PBL at Shell manager sa PBA na ang pagkakaisa ng mga nasabing businessmen ay magkakaroon ng kaganapan para sa kanilang pangarap na proyekto na tatawaging ‘World Cup Dream.’

"The said group vowed to pursue its long-time football dream and help rebuild a sport which many believe Filipinos can exel in, primarily because Filipinos have the style, timing and rhythm," wika pa ni Favis.

Binigyan ng world governing body, FIFA ang Philippines ng ranggo bilang pang-No. 175 sa mundo.

Nakatakdang iorganisa ng PIFA ang dalawang malalaking tournaments sa susunod na taon ang SoccerFest 2003 (ang elimination phase ng football season) at ng Champions Cup 2003 (ang final phase).

Idaraos ang unang major tournament, ang SoccerFest 2003 sa unang quarter ng taong 2003 na tatampukan ng anim hanggang walong teams.

Ang sinumang interesadong kumpanya, clubs, schools, players at coaches na ibig lumahok sa liga ay inaabisuhang tumawag sa PIFA offices sa 6359287 o 6361121.

AYON

BINIGYAN

CHAMPIONS CUP

CHARLIE FAVIS

FOOTBALL

IDARAOS

NAKATAKDANG

PHILIPPINE FOOTBALL ASSOCIATION INC

PIFA

WORLD CUP FOOTBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with