Blades di umubra sa John-O
December 3, 2002 | 12:00am
Pinalakas ng John-O ang kanilang tsansa para sa semifinals nang puminta si Celino Cruz ng walo sa kanyang 10 puntos sa huling tatlong minuto ng sagupaan upang trangkuhan ang Juzzers sa 79-67 panalo kontra sa LBC-Batangas Blades sa pagpapatuloy ng PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.
Ang panalo ay nagpaganda sa kartada ng John-O sa 4-4 na nagbigay sa kanila ng panibagong pag-asa na makarating pa sa upper bracket ng second elimination phase, habang nalasap naman ng Blades ang kanilang ikatlong kabiguan matapos ang apat na panalo sa pitong pakikipaglaban.
Nakalubog mula sa 16 puntos, 45-61, sinikap ng Blades na umahon sa pagtutulungan nina Al Magpayo at Alex Compton na naglunsad ng 14-4 bomba sa final canto upang ibaba ang kalamangan ng Juzzers sa isang puntos na lamang, 64-65, 2:57 ang nalalabi sa laro.
Ngunit, naglatag ang John-O ng mahigpit na depensa na naging mitsa upang mapigilan ang kanilang kalaban sa opensa.
Tinapos nina Cruz at Ricky Calimag ang paghahabol ng Blades sa pamamagitan ng 14-3 salvo na siya nilang naging tuntungan sa panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended