Ginto sinungkit ng batang Pangasinense
December 3, 2002 | 12:00am
PUERTO PRINCESA -- Agad na nagpasiklab si Remilyn Soriano nang kanyang ibigay sa Pangasinan ang unang gintong medalya sa isang record breaker na performance sa long jump sa unang araw ng kompetisyon sa athletics ng 4th Philippine National Youth Games-Batang Pinoy na ginaganap sa Puerto Princesa Sports Complex kahapon.
Nilundag ng 12-anyos na si Soriano, isang first year high school student ng Our Lady of Manaoag ang distansiyang 4.82m na tumabon sa dating marka na 4.59m na naiposte ni Nimfa Lorenas noong 2001 sa Laguna.
Ayon kay Soriano, ang kanyang magandang lundag ay isa lamang preparasyon para sa kanyang paghahanda sa nalalapit na Ilocos Region Athletic Association (IRAA) meet.
Ang unang talon ni Remilyn ay sapat na sa kanyang panalo, pero ito ay idineklarang foul matapos na tumuntong sa foul line bago siya lumundag, gayunpaman, ang ikalawang talon ay siniguro nito na magiging maayos at hindi na siya matatawagan pa ng ikalawang foul na paniguradong magdidiskuwalipika sa kanya ng tuluyan base na rin sa rule book.
Nauna rito, maganda rin ang itinakbo ni Soriano sa 100m nang manalo sa heat na naglagay sa kanya sa second best time para mag-qualify sa finals.
Sasabak rin si Soriano, bumura rin ng 4.75 record sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon sa Naga City sa 200m kung saan umaasa ang kanyang coach na makakapasok siya sa finals.
Pinarisan din ni Dino Prayo ang tagumpay ni Soriano nang bumato ito ng ginto sa shot put event sa layong 8.25m.
Samantala, determinado ang Laguna na mabawi ang overall champion mula sa mga kamay ng Manila makaraang maipanalo ang lahat ng kanilang ball games assignment.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest