GMA inimbitahan sa PSA Awards Night

Inimbitahan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa gaganaping Philippine Sportswriters Association’s 2002 Annual Awards na nakatakda sa Jan. 10 sa Holiday Inn Manila.

Si Pangulong Arroyo ang siyang magpri-prisinta ng Top Athlete of the Year award sa men’s at women’s category sa pormal na Awards Night na dadaluhan ng mga miyembro ng PSA, top officials ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, national sports assocation at sports organization, corporate sports sponsors at government sports leaders.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Chief Executive ay inimbitahan na dumalo sa nasabing awards rites ng pinaka-matandang news organization ng bansa na magbibigay parangal rin sa mga silver at bronze medal winners sa nakaraang Asian Games sa Busan, South Korea at iba pang nanalo sa international sporting events sa labas ng Asia.

Ang Pangulong Arroyo rin ang siyang main guest of honor noong nakaraang taong PSA Annual Awards kung saan siya ang nag-abot ng Top Athlete of the Year awards kina billiards champion Efren ‘Bata’ Reyes at Fil-American golfer Dorothy Delasin gayundin sa iba pang major awardees sa iba’t ibang sports.

Mismong si PSC chairman Eric Buhain ang siyang personal na naghatid ng PSA formal invitation sa Pangulo.

Show comments