^

PSN Palaro

John-O may katas pa

-
LIPA CITY - Gumawa sina Mark Macapagal at Gilbert Neo ng mahala-gang laro sa huling bahagi ng labanan upang iangat ang John-O sa mahigpitang labanan kontra sa Cheese Balls-Shark, 78-75 kahapon sa pagpapatuloy ng 2002 PBL Challenge Cup sa Lipa City Sports Cultural Center dito.

Ito ang ikatlong panalo ng John-O na nagpaganda ng kanilang karta sa 3-4, habang nalasap naman ng Shark ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo matapos ang unang panalo sa pitong laro.

Kontrolado ng John-O ang tempo sa kalagitnaan ng final period ng umabante ito sa 71-65 mula sa jumper ni Jeff Napa may 3:44 ang nalalabi sa laro.

Sumagot ang Cheese Balls nang magpasiklab sa free throw line matapos na isalpak ang 10-of-12 kabilang ang limang sunod na bonus shot ni Irvin Sotto at dalawa kay Ismael Junio na nagdala sa Cheese Balls sa 75-72 kalamangan, 1:11 na lamang sa oras.

Ngunit sumagot si Macapagal at kanyang pinatalsik si Warren Yba-ñez bunga ng ikalimang foul na nagbigay daan sa una na umapak sa free throw line at kampanteng ipinasok ang dalawang bonus shot upang muling ilayo ang John-O sa 75-74, 54 segundo na lamang sa tikada. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

CARMELA V

CHALLENGE CUP

CHEESE BALLS

CHEESE BALLS-SHARK

GILBERT NEO

IRVIN SOTTO

ISMAEL JUNIO

JEFF NAPA

JOHN-O

LIPA CITY SPORTS CULTURAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with