Batang Pinoy lalarga ngayon
December 1, 2002 | 12:00am
Sisimulan na ngayon ng mga batang atleta ang paghuhukay ng medalyang ginto sa pagsambulat ng hostilidad ng fourth Philippine National Youth Games-Batang Pinoy sa Sta. Monica Heights Sports Complex sa Puerto Princesa, Palawan.
Bago ang nasabing aksiyon, isang maikli ngunit makasaysayang opening ceremonies ang gaganapin sa naturang 8,000-seat sports complex na pamumunuan nina Philippine Sports Commission Eric Buhain, Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at Palawan Governor Joel Reyes.
Siniguro rin nina Hagedorn at Reyes ang kaligtasan ng mga delegasyon sa isang linggong meet kung saan mayroong 21 sports disciplines ang siyang paglalabanan.
Upang masiguro na muling mapasakamay ang overall championships, malaking bilang ng delegasyon ang ipinadala ng Laguna, kampeon noong 1999 at 2000 na tatampukan ng 250 atleta at opisyal, pumangalawa ang Negros Occidental na mayroong 220 delegasyon.
Sa kabila ng maliit na bilang ng delegasyon na may 158 miyembro, umaasa ang Manila na maisu-subi nila ang back-to-back overall title matapos na makalikom ng 44 gintong medalya sa nakaraang edisyon ng meet na ito na idinaos sa Bacolod City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest