Sinamantala ni Immonen ang dumapong kamalasan kay Reyes upang kubrahin ang $15,000 na premyo, habang $10,000 naman ang napasakamay ni Reyes bilang runner-up.
Dalawang malalaking pagkakamali ni Reyes sa unang rack ang nagsimula ng kanyang pangit na laro na naging tuntungan ni Immonen sa 6-0 kalamangan na lumayo sa 8-1.
Nagkaroon ng pag-asa si Reyes na mag-iba ang ihip ng hangin at makahabol sa 6-9, ngunit nilinis na ni Immonen ang lamesa sa 16th rack para makalapit sa panalo at tuluyan ng isukbit ang tagumpay nang sumablay ang Pinoy cue artist sa 1-ball na nagbigay kay Immonen ng pagkakataon na ubusin ang bola sa lamesa.
Samantala, pinasikatan ni Earl The Pearl Strickland ang mga Pinoy nang kanyang hiyain sa harap ng mga kababayan si Francisco Django Bustamante sa kanilang sagupaan para sa third place.
Nagkasya lamang sa konsolasyong $5,000 ang Asian Games gold medalist at 35th All Japan champion na si Bustamante bunga ng kanyang kabiguan.
Samantala, sa exhibition game sa pagitan nina Vergel Aerial Voyager Meneses at Manny The Destroyer Pacquiao, nanaig ang boksingero sa iskor na 5-3.