^

PSN Palaro

Reyes nawalan ng magic

-
Walang bisa ang mahika ni Efren ‘Bata’ Reyes kagabi nang yumukod ito kay Mika Immonen ng Finland, 11-6 at tinanghal na kampeon ng LG Flatron 9-Ball Challenge sa Casino Filipino sa Parañaque kagabi.

Sinamantala ni Immonen ang dumapong kamalasan kay Reyes upang kubrahin ang $15,000 na premyo, habang $10,000 naman ang napasakamay ni Reyes bilang runner-up.

Dalawang malalaking pagkakamali ni Reyes sa unang rack ang nagsimula ng kanyang pangit na laro na naging tuntungan ni Immonen sa 6-0 kalamangan na lumayo sa 8-1.

Nagkaroon ng pag-asa si Reyes na mag-iba ang ihip ng hangin at makahabol sa 6-9, ngunit nilinis na ni Immonen ang lamesa sa 16th rack para makalapit sa panalo at tuluyan ng isukbit ang tagumpay nang sumablay ang Pinoy cue artist sa 1-ball na nagbigay kay Immonen ng pagkakataon na ubusin ang bola sa lamesa.

Samantala, pinasikatan ni Earl ‘The Pearl’ Strickland ang mga Pinoy nang kanyang hiyain sa harap ng mga kababayan si Francisco ‘Django’ Bustamante sa kanilang sagupaan para sa third place.

Nagkasya lamang sa konsolasyong $5,000 ang Asian Games gold medalist at 35th All Japan champion na si Bustamante bunga ng kanyang kabiguan.

Samantala, sa exhibition game sa pagitan nina Vergel ‘Aerial Voyager’ Meneses at Manny ‘The Destroyer’ Pacquiao, nanaig ang boksingero sa iskor na 5-3.

AERIAL VOYAGER

ALL JAPAN

ASIAN GAMES

BALL CHALLENGE

BUSTAMANTE

CASINO FILIPINO

IMMONEN

MIKA IMMONEN

PINOY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with