"Yun ang dahilan kung bakit natatalo sila!" Sagot sa amin ng isang manlalarong nakausap namin minsan.
Paano nga iyon?
Kaya daw natatalo ang Purefoods ay dahil sa sobra ang lalim ng bench ni coach Altamirano. Sa pagbabalik nina Seigle, Castillo at Fernandez ay nabago na nang husto ang chemistry ng team.
Kasi nga, parang nasanay na ang Hotdogs na wala ang tatlong manlalarong nabanggit. Hindi nga bat wala ang mga ito sa unang dalawang conferences ng season? Kumbagay panibagong adjustments na naman ang nangyayari sa Purefoods dahil sa kumakain ng maraming minuto sina Seigle, Castillo at Fernandez. Yung mga dating naglalaro nang matagal ay matagal na ngayong nauupo sa bench.
"Sabihin na nating masayang problema iyon dahil sa napakaraming players na puwedeng gamitin. Pero mahirap din ang sitwasyong iyon dahil kahit paano ay nahihiya ang coach na magbangko ng mga players na dati namang ginagamit," anang kausap namin.
Sa PBA ay may 12 manlalaro ang bawat koponan. Puwedeng ipasok ang lahat ng ito sa kabuuan ng isang laro. Pero kadalasan ay walo hanggang siyam na manlalaro lang ang ginagamit ng isang coach.
Isang halimbawa na lamang ang San Miguel Beer na walo hanggang siyam lang ang kabilang sa rotation. Sabi nga ng kausap naming manlalaro ay nakaganda pa sa Beermen ang pagkakaroon ng injury ni Danny Seigle dahil sa nakapaglalaro ng mahabang minuto si Dondon Hontiveros. Hindi nagkakaloko-loko ang rotation ni coach Joseph Uichico.
Siguro, ang exception to the rule na lang ay ang Batang Red Bull dahil sa ginagamit talaga ni coach Joseller "Yeng" Guiao ang buo niyang bench. Pinaglalaro niya ang 12 players niya sa isang game. Subalit stick siya sa planong sina Davonn Harp at Mick Pennisi ang siyang magkakaroon ng mahabang playing time samantalang ang ibay kapira-kapiraso na lamang. Naiintindihan naman ng ibang players kung ganito ang sistema ni Guiao.
Ang mahirap kasi sa pagbibigay ng playing time halos lahat ay ang pangyayaring mas maikli ang laro sa season na ito kaysa noong mga nakaraang taon. Kasi nga 40 minuto lang ang mga laro at hindi 48 minuto dahil sa amateur rules pa rin ang pinaiiral ng liga.
Ayon sa nakausap namin, dapat ay bawasan na ni Altamirano ang kanyang rotation at nang makakuha siya ng optimum performance sa mga gagamiting players. Maiintindihan naman ng ibang Hotdogs kung bakit kailangan silang ibangko, eh.
Kaso mo lang ngay iisang game na lang ang natitira sa schedule ng Purefoods at itoy kontra sa Shell Velocity sa Miyerkules. May 3-5 record ang Purefoods at tagilid na silang makarating pa sa susunod na round.
Kung makapasok man sila, alangan namang baguhin pa ni Altamirano ang kanyang sistema!