Game fixing sa basketball iimbestigahan ni Pangilinan
November 30, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Senator Francis Pangilinan ang pag-sasagawa ng imbestigasyon ng mataas na kapulungan kaugnay sa umanoy game fixing activities sa collegiate, amateur at professional basketball leagues.
Naghain sina Sen. Pangilinan at Sen. Robert Barbers ng senate resolution no. 491 para imbestigahan ng senate committee on games, amusements and sports, ang umanoy umiiral na game fixing sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Philippine Basketball League (PBL) at Philippines Basketball Association (PBA).
"The report on game fixing in our basketball leagues is alarming and I think we should do something to prevent such practice and save our basketball leagues from the claws of corruption," wika pa ni Pangilinan.
Ipinaliwanag naman ni Sen. Barbers, chairman ng senate committee on games, amusement and sports, umapela si World Basketball Federation president Gonzalo Puyat sa mga club/team owners at school authorities na huwag payagang maging corrupt ang kanilang manlalaro.
Sinabi ni Puyat, ang game fixing sa nasabing mga basketball leagues ang nagiging daan upang ilaglag ng mga kilalang players ang kanilang laro kapalit ng malaking halaga ng pera para ipatalo ang kanilang laban.
Samantala, isang malawakang pagbabago sa susunod na taon para sa PBA ang iginigiit ng mga professional cagers sa muling pagbuhay ng PBA Players Union. At sa pagkakataong ito, negosyo.
Ito ang ipinahayag ng spokesperson ng Players Union na si Jojo Lastimosa sa mga sportswriters at ayon pa sa kanya, ibig din niyang gumawa ng mga hakbang upang matukoy ang mga pekeng Fil-Americans na posibleng makinabang sa Players Trust Fund. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest