Bukod sa fun at adventure na hatid ng nasabing tournament, naglalakihang premyo rin ang naghihintay para sa mga mananalo na aabot ng mahigit sa P.5M.
Tatanggap ang eventual champion sa bawat division ng P100,000 cash prize, habang ang 2nd runners-up at 3rd runners-up ay pagkakalooban ng P50,000 at P25,000, ayon sa pagkakasunod.
May alok rin ang Nestea na nasa ikaanim na edisyon na ng nasabing tournament ng special reward para sa mga paaralan ng eventual champions na P50,000 halaga ng sports equipment. Pagkakalooban rin ang paaralan ng option para pumili ng kanilang gustong equipment na kanilang matatanggap.
At sa 6th edisyon ng nabanggit na tournament na ito, ang unang mabibiyayaan ng nasabing special prizes ay ang womens division champion Adamson University at mens division champion, University of San Jose Recoletos-Cebu.
Kamakailan ay inilunsad ng Nestea ang kanilang paghahanap para sa nalalapit na tournament kings and queens nang kanilang buksan ang registration para sa lahat ng kabataang atleta mula sa buong bansa noon pang nakaraang Oktubre 21, 2002. Magpapatuloy pa ang patalaan hanggang sa Dec. 2, 2002.
Para makakuha ng tsansa na mapalaban sa nasabing mga premyo, ang interesadong kalahok ay kailangang magsumite ng kani-kanilang eligibility at registration requirements na itinakda ng Nestea at ng tournament organizers.