Ang dalawang Filipino cue artist ay kapwa dumating noong pang Martes galing Japan makaraang mapagwagian ni Bustamante ang back-to-back titles nang kanyang igupo si Ralf Souquet sa finals ng IBC Tokyo International 9-Ball Championships, bago tinalo rin niya si Immonen sa 35th All Japan championships.
Makakaharap ni Bustamante si Immonen sa alas-4 ng hapon ngayon, habang makakasagupa naman ni Reyes si Strickland sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi. At bukas, makakalaban ni Reyes si Immonen sa ala-1 ng hapon makaraan ang tunggalian nina 1st Asian 8-Ball championship Rubilen Amit at Iris Ranola sa race-to-7 ladies exhibition match sa alas-3 ng hapon na susundan ng pinakahihintay na paghaharap sa pagitan ng World Pool championship protogonist na sina Strickland at Bustamante.
At ang laban sa Sabado na sisimulan sa race-to-five exhibition ay tatampukan nina PBA superstar Vergel Aerial Voyager Meneses at IBF-junior featherweight champion Manny The Destroyer Pacquiao.