Solo liderato babalikan ng Welcoat
November 28, 2002 | 12:00am
Ang makabalik muli sa solong liderato ang siyang pupuntiryahin ngayon ng Welcoat Paints kontra sa Sunkist-Pampanga sa pagbabalik ng aksiyon ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ikalimang panalo ang sisikaping maipinta ng Paints Masters sa kanilang pang-alas-3 ng hapong duwelo ng Sunkist na maglalagay sa kanila sa solong liderato.
Bunga ng 78-66 panalo kontra sa ICTSI noong nakaraang Lunes, umaasa si coach Leo Austria na mananatiling nasa kanilang mga panig ang kumpiyansa at ang inspirasyong ito ang kanilang gaga-wing sandigan upang pigilan ang tangka naman ng Sunkist na muling makabangon mula sa kanilang nalasap na huling pagkatalo na lalo pang nagbaon sa kanila sa ilalim ng standings sanhi ng 0-4 kartada.
Bukod sa tambalang Romel Adducul, Eddie Laure, Ronald Tubid, Paul Artadi, Ariel Capus, Ronald Cuan at Jean Marc Pingris, siguradong gagawa rin ng eksplosibong performance sina Mark Isip, Dennis Miranda, Don Yabut at Rodel Celo.
Samantala, tangan ng may kaliitang si Edgar Echavez ng Montana Pawnshop ang pangunguna para sa karera ng MVP ng nasabing liga matapos ang elimination phase.
Nagtala si Echavez ng kabuuang 211 statistical points na kanyang kinana mula sa averages na 13.3 points, 5.3 rebounds, 6.7 assists at 4.2 steals kada laro.
Mahigpit namang nakabuntot sa kanya ang mga beteranong sina Eddie Laure, Ronald Tubid at Romel Adducul.
Si Laure ay mayroong nalikom na 209 SPs habang si Tubid ay nagposte ng 193 at 192 naman ang kay Adducul. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended