Mahigit sa 2,000 atleta ang nakalista sa patalaan, 331 o 15 porsiyento ang lalahok sa swimming competitions ng Batang Pinoy na idaraos sa Puerto Princesas 8,000-seat sports complex sa loob ng Santa Monica Heights.
Ang athletics ay mayroong 322 atleta at 257 naman para sa taekwondo.
Nanguna ang Laguna sa pagpapadala ng lahok na 250 atleta at opisyal, na nagpapakita ng indikasyon na seryoso ang Lagueños na maungusan ang Manila na siyang kasalukuyang overall champion, habang 220 naman ang isasabak ng Negros Occidental. Nagpadala lamang ang Manila ng 158 miyembro ng delegasyon. Ang iba pang LSCs na nagpadala ng mahigit isangdaang delegasyon ay ang Zamboanga City (180). General Santos City (147) at Isabela (158).