Cesar, Co gigiyahan ang Chees Balls-Shark

Dahil sa pag-asang muling buhayin ang dating Crispa days sa pamamagitan ng Cheese Balls-Shark, kinuha ni PBL Chairman Dioceldo Sy ang serbisyo nina dating San Juan Knights coach Philip Cezar bilang coach at legendary na si Fortunato ‘Atoy’ Co bilang head coach at assistant coach, ayon sa pagkakasunod.

At kahapon sa kanilang ensayo, nagpamalas ng malaking improvement ang koponan, ayon kay Sy habang nanonood.

"Seeing yesterday’s practice gave me the goosebumps. From what I saw, di malayong Philip Cezar and Atoy Co could transform Cheese Balls-Shark into a ‘Crispa of the new millennium," dagdag pa ni Sy.

"I’m just happy that the boys gave the respect these two legends deserve. This team has the talents,has won two championships before and Cezar could be the right man to mould the team into character that Crispa was before." ani pa ni Sy.

Unang makakatikim ng lalim ng bench tactician ng tambalang Co at Cezar ang koponan ng John-O sa pagbabalik ng PBL sa balwarte ng Batangas sa Lipa City Sports Cultural Center.

Nagdesisyon si Sy na kunin ang serbisyo nina Cezar at Co makaraang malasap ng Cheese Balls ang kanilang limang sunod na kabiguan.

Mananatili naman sa koponan ang dating coach na si Jing Ruiz bilang isa sa mga assistants kasama si Dayong Mendoza.

Show comments