Magandang baraha asam ng Purefoods at SLR
November 27, 2002 | 12:00am
Pagpapaganda ng karta ang puntirya ngayon ng Purerfoods TJ Hot-dogs at ng Sta. Lucia Realty sa kanilang nakatakdang engkuwentro sa pagpapatuloy ng Selecta- PBA All-Filipino Cup sa PhilSports Arena.
Ang Hotdogs at Realtors ay pawang galing sa dalawang sunod na pag-katalo at itoy ibig nilang wakasan kayat siguradong umaatikabong bakbakan ang masasaksihan ng mga tagasunod ng dalawang koponan sa dakong alas-7:30 ng gabing sultada.
Galing ang Purefoods mula sa 66-96 pagkatalo laban sa semifinalist ng Red Bull, habang nalasap naman ng Sta. Lucia ang 83-90 pagkatalo sa kamay ng delikadong masibak sa kontensiyon na FedEx.
Sa kasalukuyan, bahagyang angat sa standing ang tropa ni coach Eric Altamirano na nag-iingat ng 3-4 win-loss slate habang hawak naman ng bataan ni coach Norman Black ang 2-4 kartada.
Inaasahang gagawa ng eksplosibong taktika si Altamirano upang isulong ang Purefoods sa panalo kung saan kanyang sasandigan ang mga balikat nina Alvin Patrimonio, Rey Evangelista, Roger Yap, Chris Cantonjos at Kerby Raymundo.
Ngunit ang tangka ng Purefoods ay siguradong pipigilan nina Dennis Espino, Marlou Aquino, Chris Tan, Gerald Francisco, Paolo Mendoza at Gherome Ejercito.
Mauuna rito, umaasa si coach Derek Pumaren na masusustinihan ang kanilang unang panalo sa kanilang pakikipaglaban kontra sa namemeligro na ring Shell Velocity sa alas-5:30 ng hapon. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended