Bago pa man simulan ang karera, tangan na ni Leongson ang Pro Open (Rider of the Year) title dahil sa kanyang naitalang malaking bentahe kung kayat hindi na niya kinailangan pang makipagtagisan ng todo sa serye ng final leg ng Pro Open kung saan pumangalawa lamang siya sa leg winner na si Glenn Aguilar ng Caltex-Revtex-KTM.
"I thank God for giving me the strength and my teammates for all the support. Ive been very blessed this year. Walang injuries and I was able to capture three motocross titles," pahayag ni Leongson na naging kampeon rin sa Saipan at Guam Invitationals.
Ang iba pang idineklarang kampeon base sa kani-kanilang puntos na nalikom makaraan ang pitong yugto ng series na inorganisa ng Hartebeest Entertainment Corp., sina Sam Tamayo (Power Enduro, Open Prod, Beginner Prod.), Pepo Rubvi (Expert), Eric Miravalles (Dual Sports), Bobby Mencias (Exec Open), Rex Barbaso (Beginner Local) at Jimboy Marcelo (Mini-Class).