^

PSN Palaro

Leongson, tinanghal na 'Rider of the Year'

-
Mas pinili ng multi-titled rider na si Ernie Leongson na lumaro ng ligtas at simple upang pormal na makopo ang titulo sa premier Pro Open ng Superferry National Motocross Super Series 2002 kamakailan sa PAMRI Racetracks, Army Adventure Zone sa Taguig, Metro Manila.

Bago pa man simulan ang karera, tangan na ni Leongson ang Pro Open (Rider of the Year) title dahil sa kanyang naitalang malaking bentahe kung kaya’t hindi na niya kinailangan pang makipagtagisan ng todo sa serye ng final leg ng Pro Open kung saan pumangalawa lamang siya sa leg winner na si Glenn Aguilar ng Caltex-Revtex-KTM.

"I thank God for giving me the strength and my teammates for all the support. I’ve been very blessed this year. Walang injuries and I was able to capture three motocross titles," pahayag ni Leongson na naging kampeon rin sa Saipan at Guam Invitationals.

Ang iba pang idineklarang kampeon base sa kani-kanilang puntos na nalikom makaraan ang pitong yugto ng series na inorganisa ng Hartebeest Entertainment Corp., sina Sam Tamayo (Power Enduro, Open Prod, Beginner Prod.), Pepo Rubvi (Expert), Eric Miravalles (Dual Sports), Bobby Mencias (Exec Open), Rex Barbaso (Beginner Local) at Jimboy Marcelo (Mini-Class).

ARMY ADVENTURE ZONE

BEGINNER LOCAL

BEGINNER PROD

BOBBY MENCIAS

DUAL SPORTS

ERIC MIRAVALLES

ERNIE LEONGSON

EXEC OPEN

GLENN AGUILAR

GUAM INVITATIONALS

PRO OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with