Ang panalo ng House Paints ang siyang lumukob sa kanilang unang kabiguang natamo mula sa mga kamay ng Montana, 84-87 sa Tarlac noong nakaraang Sabado na muling naglagay sa kanila sa pakikisosyo sa unang puwesto sa Montana, Blu at Batangas na pawang nag-iingat ng 4-1 win-loss slate.
Tumapos si Jean Marc Pingris ng 14 puntos at anim na blocks katulong ang beteranong si Romel Adducul at Eddie Laure sa nasabing atake na siyang ginawang sandigan ng Welcoat sa muli nilang pagbalik sa win column.
Sinamantala ng Welcoat ang 21 pagtatapon ng bola ng ICTSI kung saan nakakuha sila ng 18 puntos. (Ulat ni Maribeth Repizo)