Hindi nagdalawang salita si Pops Fernandez, magdiriwang ng kanyang ika-20th taong anibersaryo sa entertainment industry na tanggapin ang nasabing imbitasyon bilang pagbibigay parangal sa mga medal winners at atleta ng bansa na nagpakita ang aksiyon sa Busan 14th Asian Games noong nakaraang buwan.
"We appreciate very much gesture by Ms. Pops Fernandez because her presence on stage would add more spice and color to the event that is not merely a concert but and event where we treat as king and queens our athlete who did battle in Busan," pahayag ni PSC chairman Eric Buhain. Bukod kay Pops Fernandez, inaasahang aakyat rin sa stage ang Sex Bomb Dancers at ang Rivermaya.
Sentro ng atraksiyon sa nasabing event sina Busan gold medal winners Mikee Cojuangco-Jaworski sa equestrian, Paeng Nepomu-ceno at RJ Bautista sa bowling at Django Bustamante at Antonio Lining sa billiards at ang pitong iba pa na nagbulsa ng silvers at 16 na nag-uwi naman ng bronze.