^

PSN Palaro

Pops Fernandez sa Alay sa Gintong Medalya, thanksgiving concert

-
Bilang pasasalamat ng Concert Queen na si Pops Fernandez makaraan ang dalawang dekada, tinanggap nito ang imbitasyon para dumalo sa Alay sa Gintong Medalya: Thanksgiving Concert kung saan ang Samsung at Philippine Sports Commission (PSC) ang co-presenting sa Dec. 18 sa PhilSports Arena (dating Ultra) sa Pasig City.

Hindi nagdalawang salita si Pops Fernandez, magdiriwang ng kanyang ika-20th taong anibersaryo sa entertainment industry na tanggapin ang nasabing imbitasyon bilang pagbibigay parangal sa mga medal winners at atleta ng bansa na nagpakita ang aksiyon sa Busan 14th Asian Games noong nakaraang buwan.

"We appreciate very much gesture by Ms. Pops Fernandez because her presence on stage would add more spice and color to the event that is not merely a concert but and event where we treat as king and queens our athlete who did battle in Busan," pahayag ni PSC chairman Eric Buhain. Bukod kay Pops Fernandez, inaasahang aakyat rin sa stage ang Sex Bomb Dancers at ang Rivermaya.

Sentro ng atraksiyon sa nasabing event sina Busan gold medal winners Mikee Cojuangco-Jaworski sa equestrian, Paeng Nepomu-ceno at RJ Bautista sa bowling at Django Bustamante at Antonio Lining sa billiards at ang pitong iba pa na nagbulsa ng silvers at 16 na nag-uwi naman ng bronze.

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BUSAN

CONCERT QUEEN

DJANGO BUSTAMANTE

ERIC BUHAIN

GINTONG MEDALYA

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

MS. POPS FERNANDEZ

POPS FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with