^

PSN Palaro

Paragua,Salvador binanderahan uli ang RP

-
Isinalba nina grandmaster (GM) candidate Mark Callano Paragua (ELO 2476) at University of the East -Manila bet Aces Salvador ang kampanya ng Philippines sa 9th round ng World Youth Chess Championships 2002 sa Hersonissos,(Heraklio) Cretem Greece.

Sariwa pa sa kanyang kampanya mula sa Bled Olympiad, pinalakas ng 18-anyos na si Paragua ang kanyang kampanya na makopo ang GM norm sa boys’18 under nang kanyang igupo si Ivan Mendez Gonzales (ELO 2307) ng Spain upang makalapit ng isang puntos mula sa nangungunang GM’s na si Ferenc Berkes (ELO 2545) ng Hungary na nanaig naman kontra International Master (IM) Jan Werle (ELO 2434) ng Netherlands sa top board encounter.

Si Paragua ay nakapag-ipon na ng 6.5 puntos katabla si Zviad Izoria (ELO 2476) ng Georgia para sa ikatlong puwesto.

Nasungkit naman ng 10-anyos na si Salvador ang kanyang ikaapat na puntos makaraang talunin si Casey Hickman sa girls’ 12 and under class.

Sa iba pang resulta, nabigo naman ang ipinagmamalaki ng Mapua Institute of Technology na si National Master Roderick Nava (4.5 points) ng Carmona kay Mathieu Acher sa boys’ 18 and under group, hindi rin pinalad si Vic Neil Villanueva ng Letran na may 4.5 puntos nang payukurin siya ni Li Wu sa boys’ 14 and under.

Hindi naman nagawang ipanalo ni Loren Brigham Laceste na may 4.5 puntos ang kanyang laro at sa halip ay nakipagkasundo na lang ito sa draw kontra Jan Krejci sa boys’ 10 and under.

Nauwi rin sa draw ang laban sa pagitan nina Nelson Mariano III at Andre Diamont na nagbigay sa una ng limang puntos sa boys’ 12 and under class.

ACES SALVADOR

ANDRE DIAMONT

BLED OLYMPIAD

CASEY HICKMAN

CRETEM GREECE

FERENC BERKES

INTERNATIONAL MASTER

IVAN MENDEZ GONZALES

JAN KREJCI

JAN WERLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with