Espiritu mangunguna sa 100 siklistang pepedal

ARGAO, Cebu--Aabot sa mahigit 100 siklista na kinabibilangan ng mga miyembro ng national team sa pangunguna ni Victor Espiritu ang inaasahang sasali sa huling pre-qualifying race para sa Tour Pilipinas 2003 ngayon dito.

Umaasa si Espiritu at iba pa niyang kasama na makaka-pedal sa 40-kilometrong individual time trial race na siyang magdedetermina kung sino ang uusad sa qualifying stage ng Tour na bubuhos ng husto sa summer sa susunod na taon.

Nakapagsagawa na ang Tour Pilipinas ng dalawang pre-qualifying races sa Pililla, Rizal na ang nasabing dalawang yugto ay pawang dinomina ng mga national riders.

Pinangunahan ni Jose Atillano ang unang edisyon, habang si Maui Reynante at Warren Davadilla ang tumapos ng 1-2 sa second pre-qualifier.

Ginawa rin ang pre-qualifiers para madetermina kung sinong siklista ang ubrang lumahok sa susunod na taong full Tour na mayroong nakatayang record na P1 million bilang top prize sa team category.

Makaraan ang final qualifying round, tanging 120 riders lamang ang matitira at siyang kasama sa summer tour. (Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments