^

PSN Palaro

Kings sinapawan ng Aces

-
Eksplosibong fourth quarter run ang ipinamalas ng Alaska Aces para sa kanilang come-from-behind na panalo kontra sa Barangay Ginebra, 79-75 sa pag-usad ng aksiyon sa Selecta-PBA All-Filipino Cup sa PhilSports Arena ka-gabi.

Mula sa 15 puntos na pagkakabaon, nilimitahan ng Aces ang Kings sa isang basket lamang habang pinagtulung-tulungan nina Kenneth Duremdes, Ali Peek, Don Allado at John Arigo ang 21 puntos na produksiyon para sa ikaapat na panalo ng Alaska sa pitong paki-kipaglaban.

Matapos ang mahabang paghahabol, naagaw ng Aces ang kala-mangan sa pamamagitan ng magkasunod na basket ni Arigo, 76-75, 38 segundo na lamang ang natitirang oras sa laro.

Isang travelling violation ang nakamit ni Mark Caguioa na naging sanhi ng isang turnover na nagbigay daan sa split shot ni Arigo para sa dalawang puntos na kalamangan ng Aces 77-75.

Muling nadisgrasya ang Ginebra nang matapik ni Rodney Santos ang bola kay Caguioa para sa dalawang freethrows ni Ali Peek sa huling anim na segundo ng labanan.

Kapwa naikunekta ni Peek ang kanyang dalawang bonus shots na siyang nagbigay ng magandang regalo sa kanilang team owner na si Wilfred Uytengsu na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.

Pinangunahan ni Peek ang Alaska sa kanyang tinapos na 22 puntos kasunod si Arigo na may 16 puntos habang sina Duremdes at Allado ay kumamada ng 15 at 13 puntos ayon sa pagkaka-sunod, upang sapawan ang eksplosibong laro nina Caguioa at Limpot na namuno para sa Ginebra sa kanilang 22 at 24 puntos ayon sa pagkaka-sunod.

Samantala, tuluy-tuloy ang aksiyon sa Cuneta Astrodome kung saan may dalawang sultadang nakatakda ngayon.

Mahalagang ikaanim na panalo ang tangkang sungkitin ng Batang Red Bull sa kanilang pakikipagharap sa Shell Velocity ngayon sa pambungad na laban sa ganap na alas-3:45 ng hapon.

Kung magtatagumpay ang Thunder, halos makakasiguro na ito sa awtomatikong semifinal slot na ipagkakaloob sa top two teams pagkatapos ng one-round eliminations.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon magsasagupa naman ang Sta. Lucia Realty at FedEx Express.(Ulat ni Carmela V.Ochoa)

ALASKA ACES

ALI PEEK

ALL-FILIPINO CUP

ARIGO

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

CAGUIOA

CARMELA V

CUNETA ASTRODOME

DON ALLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with