Yap nagbida sa ICTSI

Nagbida si James Yap sa ikaapat na quarter upang ihatid ang ICTSI-La Salle sa 77-72 panalo kontra sa John-O Juzz sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2002 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Kinamada ni Yap ang siyam sa kanyang 11-puntos na produksiyon para sa ikatlong panalo ng Archers matapos ang limang laro.

Matapos mabokya sa first half, nakabawi si Yap nang kanyang iselyo ang 15-4 run sa ikatlong quarter sa pamamagitan ng kanyang basket na nagluklok sa Archers sa 55-45 pangunguna.

Mula rito, sinimulan naman ni Yap ang 13-4 run sa kanyang magkasunod na basket upang ibandera ng La Salle ang 10-puntos na pangunguna, 68-58.

Pumalag pa ang John-O nang pamunuan ni Ranidel de Ocampo ang 7-0 run. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments