^

PSN Palaro

Pacquiao vs Meneses sa naiibang duwelo

-
Isang kasiya-siyang tunggalian ang inaasahang masasaksihan sa pagitan nina IBF junior featherweight champion Manny ‘The Destroyer’ Pacquiao at ni Vergel ‘The Aerial Voyager’ Meneses sa race-to-five, 9-ball exhibition sa Nov. 30, ang final na araw ng LG Flatron Billiard Challenge 2 sa Casino Filipino, Paraña-que.

Si Pacquiao na nagpamalas ng kanyang kahusayan sa ibabaw ng lona na naglagay sa kanya bilang isang national hero ay isang accomplished pool player, habang si Meneses, isa sa mga superstars ng PBA ay lalaro na kaunti lamang ang kakayahan. Ang dalawang manlalaro ay tinatayang magbibigay ng magandang laban na siyang highlight sa blockbuster final na araw ng tatlong araw na tournament mula Nov. 28-30 na magtatampok sa apat na greatest pool players sa daigdig ngayon.

Haharapin ni 2002 World Pool Champion Earl ‘The Pearl’ Strickland na mas maagang dumating sa bansa noon pang Lunes upang maikundisyon ang kanyang tempo si Efren ‘Bata’ Reyes sa opening day match, habang magsasagupa naman sina 2001 World Pool champion Mika Immonen at ang 2002 World Pool runner-up at winner ng limang major titles nga-yong taon na si Francisco ‘Django’ Bustamante sa alas-4 ng hapon.

vuukle comment

AERIAL VOYAGER

BATA

BUSTAMANTE

CASINO FILIPINO

FLATRON BILLIARD CHALLENGE

MENESES

MIKA IMMONEN

SI PACQUIAO

WORLD POOL

WORLD POOL CHAMPION EARL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with